Monday, June 28, 2010

Gloc-9 Lapis At Papel lyrics

lapes at papel by gloc 9

Yeah
Marahil ay iniisip nyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Gloc-9
May sasabihin lang ako

Sa bawat araw na aking pagmulat ay lagi kong tinatanong
“Ito ba talaga ang dapat na gawin?”
Puro balakid at puro pasakit ang sa aki’y ibinabato
Laging sumasalubong sa hangin
Subalit sa tuwing masisilayan ko
Ang dalawang buhay na saki’y iniregalo mo
Naaalala ko ang tunay na pangalan ko
Batang taga-Rizal Aristotle Pollisco
Na daig pa ang tangkeng puno ng baril
Kapag kanya nang nahawakan ang lapis at papel
Sumabay ka sa ‘king mga salitang hindi bumabara
Metro na di kumakapa tyempo na di nadadapa
Makinig ka ‘kin
Sige subukan mong sabayan ang mga salitang aking binibitawan
Ang mga kalaban di nila malaman ang gagawin
Nang dumating mga pinakamagaling
Kaya bilisan mong tumakbo makinig ka para maintindihan mo
Sa dinamidami ng mga pinagdaanan namin
Nakabisado ko nang game na ‘to
Alam ko na di mo kayang gawin
Kaya babagalan ko nang magsalita
Matangkad ka man saki’y nakatingala
Tuturuan kita kung pa’no dumura
Kahit kailan ay di mo nalaman kung ba’t ako nabubuang
Kapag hinawakan na ang
Parang itinutumba ng mga salitang
Nagmula sa mga kagamitang…
Simula nang aking malaman kung bakit ako’y natutong gumamit
Humawak ng lapis at papel at magpapalitpalit
Ng mga salitang hindi mo pa narinig sa ibang makatang
Humawak ng mikropono para bang tuluyan na nabuang
Sa kakaibang pag-agos ng boses
Matapos ang ilang beses
Na paulit-ulit isipin sabihin at kabisaduhin
Ang mga saloobing aking nais na maiparating
Sa pamamagitan ng isang awitin na hindi mo pwedeng baliwalain
Sa bawat hakbang ang mga katagang aking sinasabi at aking isinulat
Pilit kong binubuhat damdami’y maisambulat
Habang meron pa akong nalalabing kaunting panahon
Akin nang ilalabas sa kahon sandata sa mahabang panahon
Lapis at papel
Aristotle
Ang pangalan ko ika’y madidiskaril
Kapag narinig ang sinasabi ng aking bibig
Ay parang humahambalos ang mukha mo sa pader
Akala mo siguro ay di ko na kaya pang wasakin
Ang mga tula na isinulat mo
Ang mga mata iminulat ko
Sige sagutin mong mga katanungan ko
Bago pa matapos
Sino ka para tapakan ang lupang aking tinapakat ako ang naghari?
Sino ka para gayahin ang mga salitang nagmula sa ‘king mga labi?
Sino ka para labanan ang mga nilalang na animo’y mga buhawi?
Sino ka?
Dahil sa king pagbalik ano mang akin ay akin nang binabawi

Yeah yeah
Whooo
Gloc-9
B-roc
Yeah Turbulence
whoo

click here for more lyrics

Friday, June 25, 2010

Lando By Gloc 9 ft. Francis M

Lando by gloc 9

Chorus:Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim

Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig

(Repeat Chorus)

Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa’t isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

(Repeat Chorus)

Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko’y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami’y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa ‘king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala’y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi

(Repeat Chorus)

Tuesday, June 22, 2010

GLOC 9 - TINTA LYRICS

Tinta by gloc 9


Pwedeng Asul
Pwedeng Itim
Pwedeng Pula
Pwedeng Iba, ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.

ahh ahh ahh ahh ahh(2x)



Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at
panulat habang Ako'y tinuturuan ni nanay
habang sya'y naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit
isinusulat at dapat deretso ang mga, letra na parang petsa sa kalendaryo,
magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo
ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
at hindi imbento na parang gamot ng albularyo.

Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya
natapos sa ika-anim Ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leeg,
ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada.
Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magakatugma
na ang tawag ay tula, ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na,
sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.

Pwedeng Asul
Pwedeng Itim
Pwedeng Pula
Pwedeng Iba, ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.

ahh ahh ahh ahh ahh(2x)

Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela,
manghihingi ka ng baon, kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin.

Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo
sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.

Pwedeng Asul
Pwedeng Itim
Pwedeng Pula
Pwedeng Iba, ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.

Thursday, June 17, 2010

Martilyo lyrics GLOC-9

Martilyo By Gloc-9

Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan…

Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon

Narito nang muli ang isang taong
Di nag atubili na aking mabago ang
Yong pag tingin sa mg ataong humahawak ng
Mikropono kahit maputik ay humahakbang
Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak
Bawat tinog ng palakpak sakiy tumatatak
Pero di tumaas akong mga paa
Nakatutong sa lupa dahil alam ko na
Akoy nasa pinas may pila sa bigas
Ilan lang ang sikat na bulsa’y di butas
Para di mautas dapat ay matigas
Ang yong muka kahit panoy matikman ang
Katas Ng ubas ang problemay lutas
May maayos na tela maong di kupas
Ang sabi mo sakin Ay hindi ko na makakaya
pang Habulin Mga pangarap
Ay ipunin At pagkatapos Ay higupin

Higupin ng higupin
Parang baso na may yelo
Iilang salita pa ba ang dapat kong banggaitin
na laging bumebwelo
Bueno
Yaman din lamang na akoy narito na sige
Pakinggan ang mga bagong nasulat kong
kanta

Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpukin ang pako para bumaon
Hindi mo kayang pigilan
Hindi mo kayang galusan
Ang puso kong balot sa bakal
Na patuloy patuloy
Sa pag tibok

Humihinga kahit amoy bulok
Walang tigil sa pag subok
Kahit parang gabuhok
lang ang posibilidad
Mula sa murang edad sa pawis laging babad
Kumakayod sa syudad
Akinse o atrenta kilo o delata
Kanin na mas mura pa ang cd na pirata
Ng bata na si pollisco
Si gloc ba kamo mismo
Bawat plema ng pangngutya ay tiniis ko

Listo pa rin kahit na inaantok
Baka may mapaginipan akong kanta
na patok
Sa masa na para bang itoy nag sisilbing
pang lunas
Di maalis parang sibuyas kahit na ikay mag
hugas kamay
Gamit ang baretang sabon ni inay
Bawat salitang ginagamit ang isip moy
tinatangay
Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago
Pag pinalo ng martilyo lulubog ang pako

Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan

Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang
pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon

GLOC 9 "BITUIN" Lyrics















Gloc 9 Bituin

[Verse 1]
Tulog na anak at bukas
ay may umagang darating,
minamasdan kita habang tulog
na parang isang bituin.
Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina,
dahil ako'y mahirap
kaya't sumama sa iba.

[Verse 2]
Ngayon ika'y musmos pa lamang -
3 taong gulang.
Lahat ay gagawin, haharapin,
mapag-aral ka lang.
Upang maabot mo,
buhay na pinapangarap ko;
at iyong malisan
hirap na kina-mulatan ko

[Verse 3]
Lumipas ang ilang taon,
ako ay umalis,
at sa malayong pook
ako ay nag-tiis.
Larawan mo ang
laging hawak hawak ko.
Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko.

[Verse 4]
Ako ay nagbalik
sa araw ng 'yong kaarawan.
Malayo pa lamang nakita ko na
ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw
sa loob ng aming tahanan? Ako'y lumuluha
mukha mo a'y pinagmamasdan.

[Verse 5]
Paalam na aking anak,
at sa gabing darating
ako ay titingala,
at hahanapin ka sa mga bituin.