Showing posts with label gloc 9 pangarap. Show all posts
Showing posts with label gloc 9 pangarap. Show all posts

Monday, July 19, 2010

Pangarap lyrics gloc 9

Pangarap by gloc 9

Album: Matrikula
Artists: Gloc-9

Itoy isang awiting aking sinulat
Nang sa gayon kayo ay aking mamulat
At makilala ang isang makata na
Mula sa Rizal ako ay isang bata na
Mayroong pinapangarap
Kay tagal kong hinanap
Kay tagal kong hinabol
Kay tagal kong nayakap
Ang aking pagkataong marinig
Nalagay ang boses ko sa cd nabili ng
Libo-libong katao Ang lahat ng tula ko
Letrang kinabisado Pag kakantay kabado
Palad na malamig Medyo nanginginig
Hirap sa panghinga Parang sumikip
Ganyan palagi pag hawak ang mikropono
Isipin mo Yan ay totoo
Kahit akoy isang makatang bihasa
Kaibigan isa lamang ang aking ginawa
Kaya

Mangarap ka sayoy magtiwala ka
Mangarap ka limutin ang sabi nila
Mangarap ka sige magtiwala ka
Mangarap ka bukas ay naroon ka na

Binabayaran nga sa tuwing akoy aawit ng tula
Pero bakit kulang parang lumunok ng dura
Malalakas mangutya makakapal ang muka
Dinaanan ko na parang nag mumog ka ng tuba
Ubod ng pait kung minsan ay hindi ko masikmura
Dito ko pinagpalit ang pag aaral teka muna
Yan ang sabi ko Dahil gusto kong maging sikat
Usap usapan parang makabagong alamat
Pero akala ng iba Ito ay madali pakinggan
mo ako
Pare wag kang magmadali
Naranasan mo na bang sayoy walang
kumakamay
Kasama ka sa motorcade pero walang
kumakaway
Para kang gago Mikroponoy laging dispalinghado
Tumatalon na cd Sira na entablado
Di ka pinapansin kasi di ka pa kakanta
Pagkatapos mong umawit bibigyan ka ng barya

Mangarap ka sayoy magtiwala ka
Mangarap ka limutin ang sabi nila
Mangarap ka sige magtiwala ka
Mangarap ka bukas ay naroon ka na

labing isang taon ang saakin ay lumipas
Ngayin ay masasabi kong matamis nga ang ubas
Hindi ako doktor Lalong hindi piloto
Pero dahil saking tula ay nasa eroplano
Salamat sa bato bakal kahoy sa dingding
Parangal para ang aking pangalan ay mag
ningning Pero sakiy may isang batang lalake
at babae Na nag aabang kung meron akong
maipapadedet Maipapakain kanilang kinabukasan
ay aking Sisiguraduhin ang masaganay aabutin
Bagamat akoy isang kilalang nilalang
Minabuti kong ako ay mag aral na lang
Tatapusin ko ang kurso na sakiy maghahatid
Ng tagumpay na parang meron akong bakal
sa dibdib
Hindi tinatablan isipin mo naman
Kahit sumikat man o malaos may masasandalan
Sinasabi nila Ako ang pinaka magaling
Pinaka mabilis
Ang iba'y walang dating Ibang klase kung
sumulat Para kang kinakausap
Kung merong bubuhatin ako lang ako
makakabuhat
Nagpabago ng tingin sa mga makatang pinoy
Pag madilim ay sumusulat ng letrang nag aapoy
Tatanggapin ko yan ng buong karangalan
Kung ako ang syang umawit ng
Mga kababayan.

Mangarap ka sayoy magtiwala ka
Mangarap ka limutin ang sabi nila
Mangarap ka sige magtiwala ka
Mangarap ka bukas ay naroon ka na
Mangarap ka
Kung ikaw ay mangangarap mangarap ng mataas
Mangarap ka
Kung isang suntok na lamang ay pinaka malakas


Listen pangarap by gloc 9


.